To All Filipino Youth
Minsan akong nakarating sa Intramuros at pumunta sa isang museo ni Jose Rizal. Tahimik ang kanyang museo, ngunit ang laman nito ay sadyang nakakabingi ang ingay na taglay nito. Hindi ko maiwasang mamangha at mangisi, sa dinami-rami ng nagawa ni Rizal. Iilan lang ang may pake rito. Isa ako sa isang daan na tumigil at tumitig sa mga natirang liham niya. Isang tanong ang aking tugon, kung masasaksihan mo ang kabataan ngayon, maipagmamalaki mo pa rin ba ang kabataang pinaniwalaang mong pag-asa ng bayan?
Tamad ang mga kabataang pilipino sa panahon ngayon. “Wala akong pake.” Tatlong salita ang madalas mong maririnig sa sagot ng mga kabataan ngayon sa tuwing pipiliin ang sarili, sa tuwing magbibigay katwiran sa mga kilos dapat ay itinama, sa mga hindi kaayang-ayang desisyong nakakapagpabago ng buhay. Masyado na nga bang tamad para magkaroon ng pake sa sariling bayan?
Ang ignorante ay pipiliin ang pagiging babad sa layaw, sa pag-ayon sa mundo, padalos-dalos na desisyon, kung saan masaya, dun sila. Hindi porket nakakaranas ng saya ay tama. Bakit nga ba may ignorante sa mundo? Pinipili ng isang tao ang maging ignorante sa tuwing ayaw niyang madamay o ayaw niyang maapektuhan sapagkat siya ay nakikinabang. Hindi bale nang tama o mali, basta’t nakikinabang.
Ang maingay ay maraming sinasabi. May mga mensaheng na tumatawag ng atensyon, mayroon ding naman ay hindi na binibigyang atensyon dahil hindi na kayang kontrolin ang ingay na naririnig. Ang ingay na ginagawa nito ay mga tugon na kontra sa kilos ng mundo. Sinusubukan nitong maging matuwid. Magkaroon ng pagbabago na matagal nang nais mangyari. Maingay ang may pake sa kapwa, dahil pipilitin nitong maiwasan ang mga pagkakamali na minsan lang gagawin, ngunit ang minsan na ito ay maaring pagsisihan ng pang matagalan.
Dalawang klase lamang ng pilipinong kabataan ang makikita mo. Isang ignorante at isang maingay. Alin sa dalawa ang gusto mo maging?
Comments
Post a Comment