AUDIO | VIDEO |
MAGANDANG ARAW, PILIPINAS! AT NARITO ANG MGA NANGUNGUNANG BALITA SA ISANG BAYAN NEWS TV.
NAGLATAG ANG PRESIDENTIAL CANDIDATES NG KANI-KANILANG MGA PLATAPORMA SA NAGDAANG PRESIDENTIAL DEBATE
MISS UNIVERSE PHILIPPINES ORGANIZATION, NAGLABAS NA NG 50 OFFICIAL DELEGATES PARA SA PAGEANT NGAYONG TAON.
IBA’T IBANG MGA COLLEGES SA BANSA, NAGHAHANDA NA PARA SA LIMITED FACE TO FACE CLASSES NA MAGSISIMULA SA APRIL 2022.
LIVE MULA SA MEDIA AND COMMUNICATION DEPARTMENT, ITO ANG ISANG BAYAN NEWS TV. (PAUSE) MAGANDANG ARAW, PILIPINAS!
NAGLATAG ANG PRESIDENTIAL CANDIDATES NG KANI-KANILANG MGA PLATAPORMA SA NAGDAANG PRESIDENTIAL DEBATE. VINCE ESTORES NAGBABALITA.
|
GFX: Teaser of Headlines Paulo Ambrocio News Anchor
GFX Teaser: Presidential Candidates
GFX: Teaser: Miss Universe PH
GFX Teaser: Limited F2F Classes
GFX
Introduction of reporting |
NEWS PACKAGE: PRESIDENTIAL DEBATE 2022
ICON: CNN PRESIDENTIAL DEBATE
CG: SIYAM NA PRESIDENTIAL ASPIRANT NAGBIGAY NG KANI-KANILANG PLATAPORMA SA NAGANAP NA PRESIDENTIAL DEBATE.
LEAD IN: NAGLATAG ANG PRESIDENTIAL CANDIDATES NG KANI-KANILANG MGA PLATAPORMA SA NAGDAANG PRESIDENTIAL DEBATE
TIME LIMIT: 1:45 secs
DURATION:
AUDIO | VIDEO |
NAGANAP ANG CNN PRESIDENTIAL DEBATE NOONG IKA DALAWANGPUT PITO NG PEBRERO KUNG SAAN INILATAG NG MGA KANDIDATO SA PAGKA PANGULO ANG KANILANG MGA PLANO UPANG MAIPAKITA NA KARAPAT DAPAT SILANG MAHALAL NA PANGULO NG BANSA. | GFX: COURTESY: CNN SOT: 0:01-0:15 (.2X) All Presidential Candidate SPLICE VIDEO OF ALL PRESIDENTIAL CANDIDATE ABOUT THEIR ANSWER ON THE QUESTION |
SIYAM NA KANDIDATO ANG DUMALO HABANG ISA NAMAN ANG HINDI NAGPAANYAYA SA NASABING PRESIDENTIAL DEBATE. MIDSPIEL: UNA SA LISTAHAN NG DISKUSYON ANG PAGLABAN SA KORAPSYON. AYON SA MGA PRESIDENTIABLES AAKSYUNAN NILA ITO AT KUNG TATANUNGIN, UNANG UNA NILANG BIBIGYANG PANSIN ANG BUREAU OF CUSTOMS.
USAPIN PA RIN ANG MGA NAGAWANG AKSYON NG MGA ASPIRANTS SA PANDEMYA AT KUNG ANO PA ANG KANILANG MAGAGAWA UPANG WAKASAN ITO.
NAGKAINITAN DIN SA DEBATE SINA LABOR LEADER LEODEGARIO “KA-LEODY’ DE GUZMAN AT ANG DOCTOR NA SI JOSE MONTEMAYOR JR. UKOL SA ISYU NG PAGPAPATAAS NG MINIMUM WAGE PARA SA MGA PILIPINONG MANGGAGAWA. ANI NI MONTEMAYOR MAAPEKTUHAN DIN ANG MGA BUSINESS OWNERS PARA SA GANITONG KALAKARAN. SAGOT NAMAN NI KA-LEODY AY INIISIP RIN NIYA ANG KAPAKANAN NG MGA ITO NGUNIT BINIGYANG DIIN NIYA NA MAGKAROON DIN NG KARAPAT DAPAT NA SAHOD ANG MGA MANGGAGAWANG PILIPINO AT HINDI GAWING MGA ALAGAD. | VIDEO: COURTESY: CNN SPLICED VIDEOS OF PRESENT PRESIDENTIAL CANDIDATE PLUS EMPTY PODIUM
GFX: COURTESY: CNN SPLICED VIDEO OF CANDIDATES ANSWERING
GFX: COURTESY: CNN
|
| VINCE ESTORES ISANG BAYAN NEWS |
END |
NOTES:
https://www.cnnphilippines.com/news/2022/2/28/CNN-Philippines-2022-Presidential-Debate-wrap.html
https://newsinfo.inquirer.net/1560756/montemayor-asks-if-wage-hike-hurts-employers-ka-leody-says-workers-shouldnt-be-treated-as-slaves
AUDIO | VIDEO |
MISS UNIVERSE PHILIPPINES ORGANIZATION, INILABAS NA ANG 50 OFFICIAL DELEGATES PARA SA PAGEANT NGAYONG TAON. ALAMIN PA NATIN SA KWENTO NI MALIQUE BARAZAR. | GFX: News Anchor’s Camera Time: 10 secs
|
NEWS ITEM: MISS UNIVERSE PHILIPPINES APPLICANT (SHOWBIZ)
ICON: MISS UNIVERSE PHILIPPINES 2022
CG: 50 OFFICIAL DELEGATES PARA SA MISS UNIVERSE PHILIPPINES, IPINAKILALA NA - MISS UNIVERSE PHILIPPINES ORGANIZATION
LEAD IN: IPINAKILALA NA NG MISS UNIVERSE PHILIPPINES ORGANIZATION NOONG FEBRUARY 28 ANG 50 OFFICIAL DELEGATES PARA SA 2022 PAGEANT NITO.
TIME LIMIT: 30-45 secs
DURATION: ((45 secs))
AUDIO | VIDEO |
IPINAKILALA NA NG MISS UNIVERSE PHILIPPINES ORGANIZATION NOONG FEBRUARY 28 ANG 50 OFFICIAL DELEGATES PARA SA 2022 PAGEANT. | GFX: INTRODUCTION: ENTERTAINMENT REPORTER’S SHOT
|
KASAMA SA LISTAHAN SINA MISS WORLD PHILIPPINES 2019 MICHELLE DEE, MISS EARTH PHILIPPINES CELESTI CORTESI, AT MISS UNIVERSE PHILIPPINES 2020 3RD RUNNER-UP PAULINE AMELINCKX.
AYON PA SA ORGANISASYON NA PINAKIKIPOT NILA ANG LARANGAN UPANG MAPALAPIT SILA SA FINAL 30 DELEGATES. GAYUNPAMAN, HINDI INIHAYAG KUNG KAILAN ITO IAANUNSYO PATI NA RIN ANG PROSESO NG ELIMINASYON.
PARA SA EDISYON NGAYONG TAON, NAKIPAGTULUNGAN ANG ORGANIZATION OF MISS UNIVERSE PHILIPPINES SA SOCIAL ENTERTAINMENT PLATFORM NA KUMU BILANG "INTERACTIVE PAGEANT." NAGANAP ANG IBA’T IBANG MGA SEGMENT, NGUNIT ANG KARAGDAGANG IMPORMASYON TUNGKOL SA MGA NATURANG AKTIBIDAD AY HINDI PA NABUBUNYAG.
| GFX: COURTESY: WTV SPLICED VIDEO OF MICHELLE DEE, CELESTI CORTESI, PAULINE AMELINCKX
GFX: COURTESY: WTV SOT: 0:32-1:00 MISS UNIVERSE PHILIPPINES 2022 LOGO & PICTURES OF CANDIDATES
GFX REPORTER’S SHOT |
| MALIQUE BARAZAR ISANG BAYAN NEWS |
END |
NOTES:
Inihayag ng organisasyon ng Miss Universe Philippines (MUP) noong Lunes, Pebrero 28 ang opisyal na 50 delegado para sa 2022 pageant nito.
“Introducing this year’s roster of Filipina beauties vying for the most prestige crown in the country,” sabi nila kasabay ng photoset ng mga beauty shot ng mga delegado.
Ang mga pamilyar na pangalan sa listahan ay sina Miss World Philippines 2019 Michelle Dee, Miss Earth Philippines Celesti Cortesi, at Miss Universe Philippines 2020 3rd Runner-up Pauline Amelinckx.
Idinagdag ng organisasyon na "pinakikipot nila ang larangan upang mas mapalapit [sila] sa aming mga Final 30 delegates." Gayunpaman, hindi nila inihayag kung kailan aanunsyo ang huling 30 delegado o ang proseso ng elimination.
Para sa edisyon ngayong taon, nakipagtulungan ang organisasyon ng MUP sa social entertainment platform na kumu para sa isang "interactive pageant." Nangangako ang partnership na magbibigay sa mga delegado ng "fun live streaming tasks," "interactive exclusive shows," at "pang-araw-araw at lingguhang kumustuhan na mga segment," ngunit ang karagdagang impormasyon tungkol sa mga naturang aktibidad ay hindi pa nabubunyag.
Ang reigning titleholder na si Beatrice Luigi Gomez, na nagtapos bilang bahagi ng Top 5 sa Miss Universe competition noong Disyembre 2021, ay nakatakdang koronahan ang kanyang kahalili. Ang Miss Universe Philippines 2022 pageant night ay nakatakda sa Abril 30.
https://www.youtube.com/watch?v=ZNVas-OOP4I
LIVE COVERAGE: PREPARATION LIMITED FACE TO FACE CLASSES
ICON:
CG: IBA’T IBANG MGA ESKUWELAHAN SA BANSA AY NAGHAHANDA NA PARA SA LIMITED FACE TO FACE CLASSES
LEAD IN: IBA’T IBANG MGA COLLEGES SA BANSA AY NAGHAHANDA NA PARA SA LIMITED FACE TO FACE CLASSES NA MAGSISIMULA SA ABRIL 2022
TIME LIMIT: Not more than 5 minutes
DURATION:
AUDIO | VIDEO |
INAPRUBAHAN NA NG INTER AGENCY TASK FORCE ANG MGA ESKUWELAHAN SA MGA LUGAR NA NASA ILALIM NG ALERT LEVEL 2. HINGGIL DITO, NAGSIMULA NA ANG PAGHAHANDA NG IILANG MGA ESKUWELAHAN PARA SA KANILANG LIMITED FACE TO FACE CLASSES.
MAKAKAPANAYAM NATIN NGAYON SI MR. ALDEN TOLENTINO, DEPARTMENT HEAD NG COLLEGE OF HOSPITALITY AND TOURISM MANAGEMENT NG TRINITY UNIVERSITY OF ASIA KAUGNAY SA PREPARASYON PARA SA LIMITED FACE TO FACE CLASSES. | GFX: News Anchor’s Camera News Anchor |
SIR TOLENTINO, MAGANDANG UMAGA PO AND WELCOME SA ISANG BAYAN NEWS TV.
(QUESTIONS)
(ANSWERS)
MARAMING SALAMAT PO, MR. TOLENTINO SA PAG BIBIGAY IMPORMASYON SA AMIN TUNGKOL SA PAGHAHANDA SA LIMITED FACE TO FACE CLASSES. | GFX: LIVE COVERAGE OF INTERVIEW
.
|
END |
ICON: OIL PRICE HIKE
CG: PAGTAAS NG DIESEL, INAALMAHAN NG MGA TSUPER
LEAD IN: UMAARAY ANG MGA TSUPER SA PAGTAAS NG PRESYO NG GASOLINA KAYA’T HILING NILA ANG PAGTAAS NG PAMASAHE.
TIME LIMIT: 1:50 MINUTES
DURATION:
AUDIO | VIDEO |
APEKTADO ANG MGA TSUPER NA KUNG HINDI MANGYAYARI ANG ROLLBACK NA INAASAHAN, MAPIPILITAN SILANG MAGTAAS NG PAMASAHE. NASA DALAWA HANGGANG TATLONG PISO ANG INAABANGAN NA PAGBABA NG PRESYO NG DIESEL. (INTERVIEW) HINDI NA MAPIGILAN ANG KILOS PROTESTA NG TRANSPORT GROUPS NA PANAWAGAN SA PAGSUSUSPINDE NG EXCISE TAX. HABANG NAGHIHINTAY PA SA ROLLBACK, UMAASA ANG MGA TSUPER SA AYUDANG IPINANGAKO DAHIL SA KAKULANGAN SA KITA. IBINANGGIT RIN NA ALAM NAMAN NILA ANG KAHALAGAHAN NG TRANSPORTASYON. (INTERVIEW) MULA SA ISANG PANAYAM NG DEPARTMENT OF ENERGY ANG POSIBILIDAD NA ROLLBACK. DUMEDEPENDE DAW ITO SA PAGBABA NG DEMAND DAHIL SA COVID-19, PATI NA RIN ANG HINDI PAG ANIB SA NORTH ATLANTIC TREATY ORGANIZATION SA GITNA NG RUSSIAN INVASION.
| GFX: News Anchor’s Camera News Anchor |
IYAN ANG KASALUKUYANG BALITA, (NAME) ISANG BAYAN NEWS. | GFX: LIVE COVERAGE OF INTERVIEW
.
|
END |
Interview Questions:
Anu-ano ang mga paghahanda na ginawa ng inyong university para sa paparating na limited face to face classes?
Anu-ano ang mga naging challenges na paghahanda ng University?
Sa tingin niyo ba ay handang handa na ang ating bansa na magkaroon ng limited face to face sa ating mga paaralan?
Paano naman ang mga estudyante na hindi papayagan o hindi makaka attend sa limited face to face (follow up question)
NOTES:
Una, pinayagan na ng CHED noong nakaraang taon kasama pa ang ibang allied health courses. Mula nang makita ang balita, nagsimula na maghanda ang iba't ibang allied health courses. Napakaraming paghahanda ang ginawa ng koleyo, nag-invest ang university para sa infrastructure. Katulad ng mga signages, itong mga paghahanda na ito ay kasama sa guidelines na binigay ng CHED, IATF, DOH AT LGU. Nagsagawa muna sila ng survey para sa mga estudyanteng gusto at ayaw sumama, ito ay voluntary hindi mandatory. Nagsagawa ng mga orientation kasama ang estudyante at mga magulang tungkol sa face to face classes.
Last February 28, dinalaw ng QC LGU ang Trinity University of Asia para sa isang inspection. Crisis committee, martials, signages, policy na nakahanda, atbp. Last monday, lumabas na ang safety seal galing LGU na nagpapatunay na sumusunod ang unibersidad sa ilang mga requirements.
CHALLENGES:
Paano kumbinsihin ang mga magulang na ang mga estudyanteng papasok sa limited face to face classes ay magiging ligtas.
Paglagay ng mga kagamitan, pagbuo ng mga committee na tututok sa limited face to face classes. Patuloy pa rin pinapaganda ang mga protocol para makasiguro sa safety ng mga estudyante. Financial challenges ngunit nagawan ng paraan.
Changes:
Limitahan ang galaw, may holding area at kung saan lang pwede pumunta ang mga estudyante. Pati ang pagpunta sa canteen ay ipinagbabawal at ina advise na magbaon ang mga estudyante. Kailangan planado ang mga laboratory na gagawin base sa requirement ng LGU na 4.5 hours lamang. Pati ang mga kasuotan.
Handang-handa na ang Trinity University of Asia sa limited face to face classes.
March 29 ang start ng unang laboratory ng kanilang department.
PARA SA HINDI MAKAKAATTEND NG F2F:
Gumawa sila ng iba pang mga activities na pwedeng gawin ng mga estudyante na hindi makakaattend ng limited face to face classes upang sila ay matuto pa rin kasabay ng mga estudyante sa eskwelahan. Walang magiging pagbabago sa grade.
ICON: LINDOL SA JAPAN
CG: 4 ANG NASAWI AT HIGIT 100 ANG SUGATAN
LEAD IN: MAGNITUDE 7.3 NA LINDOL, NIYANIG ANG JAPAN
TIME LIMIT: 1:50 MINUTES
DURATION:
AUDIO | VIDEO |
4 ANG NASAWI AT NASA HIGIT 100 NAMAN ANG SUGATAN NANG MANGYARI ANG 7.4 MAGNITUDE SA JAPAN. SENTRO NG PAGYANIG ANG FUKUSHIMA REGION, DAMANG-DAMA ANG LINDOL HANGGANG TOKYO. PINANINIWALAAN NG JAPAN METEOROLOGICAL AGENCY NA KAHIT 10 TAON NA ANG NAKALILIPAS MULA NANG NANGYARI ANG PINAKAMALALANG LINDOL AT KASUNOD ANG TSUNAMI, ITO AY ISANG AFTERSHOCK. NASA DALAWANG BILYONG BAHAY ANG NAWALAN NG KURYENTE. NAGLABAS DIN NG TSUNAMI ADVISORY SA NORTH EAST COAST, HINDI MAIAALIS ANG PANGANGAMBA BG BANSA DAHIL SA INSIDENTENG NANGYARI ANG NUCLEAR POWER PLANT MELTDOWN, 11 YEARS AGO. INIHAYAG NG PRIME MINISTER FUMIO KASHIDA NA HINDI NAMAN NAGPAKITA NG KAHIT ANONG ABNORMALIDAD SA NUCLEAR POWER PLANT. APEKTADO RIN ANG PAGBIYAHE NG MGA TREN, MGA INSTRUKTURANG NAPINSALA, NANGYARI RIN ANG ROCKSLIDE AT LANDSLIDE.
| GFX: News Anchor’s Camera News Anchor |
IYAN ANG KASALUKUYANG BALITA, (NAME) ISANG BAYAN NEWS. | GFX: LIVE COVERAGE OF INTERVIEW
.
|
END |
NOTES:
News Package:
https://www.youtube.com/watch?v=iEmnAR5-mAI&t=3s
https://www.youtube.com/watch?v=Y_e9e9sF-Bc
News Item:
https://www.youtube.com/watch?v=i3lIsDiwvQ0&t=1s
https://www.youtube.com/watch?v=ZJOVuZSGjgU
Live Coverage:
https://www.youtube.com/watch?v=cXhNK3jLlsM&t=38s
https://www.youtube.com/watch?v=5S8EZapNbCA
Comments
Post a Comment