Screenplay
001. EXT. ABANDONADONG BLDG. GABI
Maglalakad ng mabilis si ANGELO at susubukang hawakan sa braso si ANA.
ANGELO
Ana anong nagawa kong mali?
ANA
Ewan ko.
Itututok ni Ana ang baril sa ulo ni Angelo.
002. INT. MUSEUM. HAPON
Dahang-dahan humhinga si ANGELO at pinakikiramdaman niya ang nakakabinging kaba na nagingibabaw sa kanyang dibdib kasabay ang pagkuskos ng palad habang paulit-ulit na tinitignan sa kaniyang smartphone.
ANGELO
One thing for sure, I deserve this.
Diretsong nakatitig si Angelo sa isang eskultura. Patuloy ang panginginig ng kamay nito, kasabay ang pasok ng mga notifications at ilang tawag.
Maririnig ang maingay na takong ni ANA papalapit kay Angelo na umaalingawngaw sa Musuem.
Pinagmamasdan ni Ana mula ulo hanggang paa si Angelo at di maiiwasan na mapairap dulot ng iritasyon.
ANA
Ang ingay.
Mapapalingon si Angelo kay Ana at pagmamasdan ang suot nitong purong itim na coat.
ANGELO
Buti nagpakita na ulit. Wel, Thank you. Nurse. Board Top Notcher and hmm, condolences.
ANA
Ah, achiever.
Lilipat ang tingin ni Ana sa eskultura, titikhim at matatahimik si Ana. Dahang-dahan tutulo ang luha ni Ana, at papahirin ng mabilis.
ANA
No. I am not grieving.
Tatango lamang si Angelo at hihinga ng malalim. Hindi maiwasan na kukuskusin ang palad sa mukha, hihigitin ang kamay ni Ana at maglalakad palabas ng Museum.
003. EXT. MUSEUM - EMERGENCY EXIT. HAPON
Habang naglalakad, magsisindi ng sigarilyo si Angelo. Aalukin ng sigarilyo ni Angelo si Ana.
ANGELO
Wala ka nang singsing?
Patuloy ang paghithit ni Ana habang titingin sa kawalan.
ANA
Divorced. I had to, hindi ko sasayangin ang mga araw ko na alam kong hindi lang ako ang mahal.
Bibitawan at tatapakan ang sigarilyo.
ANA
Nangaliwa.
ANGELO
Ah. Insecured.
Natawa lamang si Ana dahil hindi makapaniwala sa narinig, mapapataas ang kilay nito. Naglakad palayo si Ana.
003. INT. MUSEUM. GABI
Muling magkikita ang dalawa. Makikita ni Ana si Angelo sa tapat ng isang eskultura.
ANA
Kanina ka pa naghihintay?
ANGELO
Oum. Ang tagal, pero ok lang. Dito ka lang.
ANA
You’re not okay, kahit may narating ka na sa buhay. Malungkot ka pa rin.
Magtitigan lang ang dalawa, babalik ang tingin sa eskultura. Blankong mukha ang ipapakita ni Ana.
005. EXT. ABANDONADONG BUILDING - BALKONAHE. GABI.
Nililibot ni Ana ang abandonadong building habang hawak ang sigarilyo. Hindi maikakaila ang pandidiri ni Ana sa lugar, mapapairap ito at magpapagpag ng damit.
ANA
Dito ka pa rin pala nakatira.
ANGELO
Hindi naman basta-basta nagbabago ang lugar. Tao lang ang ganoon.
ANA
Ah okay. Kaya ba bigla mo ko pinagpalit? Pinaniwala mo ako, na ako lang!
ANGELO
Kaya ba bigla ka nag asawa? Tapos wala na.
ANA
Hindi naman nawala ang lungkot ko kahit nag-asawa ako.
ANGELO
Sasaya ka ba sa’kin, Ana?
ANA
Hangad kong sumaya sa’yo. Maraming aspeto ang relasyon, hindi mo maibigay.
Malungkot ang mga mata nitong tumingin kay Angelo, sabay ang paghihila sa gatilyo nito.
ANA
Hindi mo ako mahal. Parehas lang tayong malungkot. Nagkatagpo lamang tayo.
Unti-unting tinututok ni Ana ang baril sa ulo nito. Isang malakas na putok ng baril ang maririnig.
-WAKAS-
Comments
Post a Comment